Wednesday, October 23, 2013

Bakit DAPAT AKONG sumali sa NETWORKING?

Dapat kang sumali sa NETWORKING o NETWORK MARKETING BUSINESS sapagkat ito ang mabilis at legal na paraan para matupad pangarap mo sa buhay. Sabi nga kung gusto mo matupad pangarap mo pwede ka mag-artista, maging pulitiko, at maging negosyante. Sa pagnenegosyo dito papasok ang NETWORKING, sa maliit na puhunan sa pag-umpisa na merong malaking potential na kumita ka ng malaki.

Sa NETWORKING kasi hindi batayan ang pinag-aralan, kulay, at lahi. Walang malaking risk, di mo kailangang magbayad ng pwesto, walang tauhan, hindi babahain o masisira ng kalamidad, pwede mo dalhin kahit saan maging sa ibang bansa, marami kayong magtutulungan, magagamit mo rito ang leveraging gaya ng ginagawa ng McDonalds, Jolibee, SM Malls, etc.

Pero ang pagsali ay hindi basta-basta, meron kang dapat isaalang-alang. Bigyan kita ng Tip kung ano ang mga iyon.


Bago ka sumali sa isang NETWORK MARKETING BUSINESS o NETWORKING may mga ilang bagay na dapat mong isaalang-alang. Sa artikulong ito meron akong limang(5) bagay na dapat mong tingnan at ilagay sa pagsasaalang-alang bago mo ibayad ang pinaghirapan mong pera. Kaya halika't basahin upang matuto.

Limang(5) bagay na dapat isaalang-alang bago sumali sa isang Network Marketing Business o Networking. 

1. COMPANY - Bago ka sumali sa isang network marketing business o networking ang kauna-unahang bagay sa lahat na dapat mong tingnan ay ang kumpanya. Alamin mo kung ano ang kumpanyang ito at para saan. Kung ito ba ay lehitimo? Mamulat tayo sa katutuhanan, marami d'yan ay hindi legal at puro panloloko lang. (SCAM)

Alamin mo rin kung sinu-sino ang may-ari at kung ano ang kanilang karanasan. Hindi lang yung merong karanasan sa MLM business dapat gayundin sa mga produkto. Sigurado ba na kwalipikado ang may-ari na mapatakbo ang negosyo? Matapat at mapagkakatiwalaan ba sila? Hindi mo gugustuhin na ikaw ay mapapasok sa isang sitwasyon kung saan ang mga lider ay hindi tapat at palubog ang negosyo.

Ang isa pang mahalagang dapat tingnan na kadahilanan bago sumali ay ang utang ng kumpanya. Ang kumpanyang ito ba ay may pagkaka-utang? Mayroon ba silang sapat na pera upang tiyakin na sila ay manatili sa negosyo? Ang mga bagay na ito ay mahalagang isaalang-alang sapagkat ikaw ay sasali sa isang kumpanya na dapat ay tatagal sa industriya at may sapat na pera upang mapatakbo at maibigay lahat ng benepisyo.

2. PRODUCT - Bakit mahalaga ang produkto na isaalang-alang bago sumali sa isang network marketing? Deretsahan, hindi importante kung ano ang produkto mo. Don't get me wrong, oo gusto natin ng isang magandang produkto na maaari nating ibenta sa ating mga consumer, ngunit hindi ito nangunguna sa listahan. Ang dahilan kung bakit sinasabi ko ito ay dahil maaaring magtagumpay ang isang negosyo kahit kakila-kilabot pa ang produkto dahil sa huli, ang mga tao bumibili dahil sa'yo, hindi dahil sa produkto.

Nasabi ko kanina na hindi ang produkto ang nangunguna sa listahan ko pero isa ito sa dapat mong i-consider kung sasali kaba sa networking o hindi. Tingnan mo ang produkto at tanungin mo ang sarili mo "Gagamitin ko ba ang produktong ito kung halimbawa merong mag-alok sa akin?". Kung masasagot mo ng "Oo" marahil i-consider mo yung kumpanya, kung sagot mo ay "Hindi" move on ka. 'Wag mo na sayangin oras mo at panahon para sumali pa.

3. NEED o PANGANGAILANGAN - pagkatapos mong malaman ang mga produkto tingin mo merong pangangailangan dito? Tingin mo di naman ganun ka importante o kailangan pero sinisiguro mo na ginagamit ito pang-araw-araw. Karaniwan na sa complan ng kumpanya na sa mga produkto nakukuha ang residual income na binibigay sa mga distributor. Wala naman may gusto na ang produkto mo ay walang may gusto o may pangangailangan, di'ba? Mas maganda pa nga kung ang produkto mo ay appealing hindi lang sa pagbebenta ganun din sa recruiting.

4. COMPENSATION PLAN - "Binary, Matrix, Uni-level, Stairstep Breakaway, Multi-level" ang mga ito parang foreign language tingin ng ibang tao. Ang konsepto kung paano ka mababayaran minsan ay nakalilito. Ibig kong sabihin, lahat ng sumasali sa mga kumpanyang ito ay para magkaron ng kalayaan sa pananalapi at oras, (TIME FREEDOM, FINANCIAL FREEDOM) tama? Kaya bakit hindi maglaan ng oras upang pag-aralan ang comp plan bago sumali sa isang network marketing business o networking.

Ang dahilan kung bakit sinasabi ko ito ay dahil ang lahat ng comp plan ay hindi pareho. Ayaw natin ng hindi tayo nababayaran sa tamang trabaho natin, di'ba? Ganun din dito, minsan merong comp plan na malaki ang napupunta sa kumpanya kaysa sa distributor. Pag-aralan ng mabuti ang compensation package upang lubos na maunawaan ang kahalagahan sayo bago ang pagsali. 

5. TIMING - naririnig natin na ang timing at positioning ay napakaimportante. Angkop ito sa industriya ng network marketing. Ikaw ba ay pang 1,000 na sumali o pang 1,000,000 tao? Hindi ko alam tungkol sa iyo, ngunit nais kong matiyak na ako ay nauuna at hindi nahuhuli. Kaya tiyaking inilagay mo ang timing sa pagsasaalang-alang bago sumali sa isang network marketing. Kailan ba sila nagsimula? Gaano na katagal? Ganun din sa mga produkto.

Kaya dapat bago sumali sa Network Marketing o Networking...

Tiyaking nailagay ang lahat ng mga sumusunod sa maingat na pagsasaalang-alang. Evaluate mo kung ang papasukan mo ba ay para ba sa'yo o pwede ba sa'yo. Gagawin mo ito dahil gusto mo hindi yung pinilit ka lang. Ang network marketing business ay hindi para sa lahat yan ang totoo, 97% ng sumasali dito ay nag-fail. Pero kung ikaw ay matibay, matiyaga, may pangarap at gustong mabago ang buhay gawin mo ito. Mag Sign-up ka. Wag mo lang kakalimutan ang limang (5) dapat i-consider bago ka mag sign-up.

Share this post to others to help them build their business stronger like our business.  Thank you for spending some time with me today… we’ll talk to you soon!
If you’re interested in more real knowledge about MLM:
Thank you and God bless!

Your Friend,






If you’re interested in learning how you can partner directly with me and earn true lifelong residual income, give me a call at 0908-7794513.

No comments:

Post a Comment