Monday, May 13, 2013

High-Entry Level or Low-Entry Level?

Sa dami ng naglalabasang MLM company ngayon, at sa dami ng nag-aalok ng opportunity na 'to alin kaya sa kanila ang dapat mong salihan?

Ito yung tanong...

" Sa aling MLM company mas magandang sumali, don ba sa MURA o mababang entry o sa MAHAL o mas mataas na entry?

INTERESADO ka kung 'yan ang tanong mo.

 Ang SAGOT ay DEPENDE SA'YO. 

Depende sayo at sa magiging "market" mo.

Kung sa tingin mo eh mas mabilis mong mapapasali ang tao sa MURAng entry package eh 'di dun ka. However, merong disadvantages sa mura o low-level entries, gaya ng:
  • kapag maliit ang puhunan, mas maliit ang commitment ng downlines at mas madaling mag-quit.
  • magiging mabilis ang pasok ng tao subalit challenge ito sa magiging upline. Kailangan n'yang gawing magstep-up ng mabilis para mahandle ang isang malaking group. Kailangan ang isang leader(upline) ay kayang pumili at magdevelop ng leader ng mas mabilis sa inaasahan sapagkat kung mabagal ang leader sa pagstep-up ganun kabilis nawawala ang mga tao sa group nya sa kadahilanang 'di kayang ihandle o hawakan ang buong network nya sa laki o dami ng tao.
  • hindi tumatagal ang kompanya, nagsasara o kaya naman ay nagbabago ng compensation plan(panibagong entry nanaman).
"Sa MLM, hindi paramihan ng tao kundi paramihan ng leaders na madedevelop."

ENTRIES in MLM: 
  • Low-level entry ranging Php500.00 - Php3,000.00
  • High-level entry ranging Php5,000.00 - Php15,000.00
Sa High-level medyo mahirap talaga ang pag-raise ng investment pero ang commitment at ang "staying power" ng mga downlines ay mas malakas o mataas compare to low-entry level package.

Karamihan sa mga networkers sa Pilipinas ay binary-driven. At kung masusuri mo lahat halos ng company na tumagal ng 3 years pataas ay binary companies na kabilang sa High-entry level.

Muli, salamat sayo sa patuloy mong pag-aaral. Sana'y nakatulong sa'yo ang article na 'to.

Your Friend in Success,





No comments:

Post a Comment